^

Bansa

Pinsala kay Nona: P5-B na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Umaabot na sa P5 bilyon ang pinsala sa agrikultura at imprastraktura sa pananalasa ng bagyong Nona.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Alexander Pama, umaabot na sa 42 ang death toll kay Nona, 24 ang nasugatan at lima pa ang nawawala.

Huling nadagdag sa talaan ng mga nasawi ay si Fernando Soriano, 51, na nalunod sa Baco, Oriental Mindoro.

Ayon kay Pama, pumalo na sa P4,967,299,199.38 bilyon ang pinsala ng bagyo sa imprastraktura at agrikultura sa Central Luzon, Southern Luzon, Bicol Region at Eastern Visayas.

Nasa 38 namang health centers ang napinsala sa kalamidad kabilang ang 28 mula sa Eastern Visayas at siyam naman sa Bicol Region habang nasa 46 eskuwelahan ang nawasak at 53 ang nagtamo ng pagkasira.

Aabot sa 199, 854 bahay ang nawasak sa Central Luzon, Southern Luzon, Bicol at Eastern Visayas at 55, 4566 ang tuluyang nagiba.

Ayon kay Pama marami pa ring mga lugar sa mga rehiyong grabeng naapektuhan ang hindi pa naibabalik ang supply ng kuryente lalo na sa Southern Luzon at Eastern Visayas.

Sa kasalukuyan, dumaranas pa rin ng mga pagbaha sa Luzon sanhi ng northeast monsoon kabilang ang 425 lugar sa Ilocos, Central Luzon at MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon at Palawan).

Nabatid sa opisyal na nasa 63,016 pamilya o kabuuang 280,000 katao ang apektado ng bagyong Nona kung saan nasa 17,144 pamilya o katumbas na 79,164 katao ang nananatili pa rin sa 283 evacuation centers.

ANG

AYON

BICOL REGION

CENTRAL LUZON

EASTERN VISAYAS

EXECUTIVE DIRECTOR ALEXANDER PAMA

FERNANDO SORIANO

LUZON

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

ORIENTAL MINDORO

SOUTHERN LUZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with