^

Bansa

COC ni Duterte pinakakansela sa Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Panibagong petisyon ang inihain sa Commission on Elections (Comelec) na  kumukuwestyon sa ligalidad ng kandidatura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sa siyam na pahinang petisyon, hiniling ni Rizalito David na ideklara ng Comelec na ang substitution ni Duterte kay Martin Dino bilang pambato sa pagkapangulo ng Partido PDP-Laban ay walang bisa.

Dahil dito, dapat lamang umano na makansela ang COC ni Duterte.

Giit ni David, malinaw naman na ang COC ni Duterte ay inihain lagpas na ang deadline para sa pagsusumite ng COC na itinakda nuong October 16, 2015.

Idinagdag pa ng petitioner na ang ginawang pag-atras ni Dino sa kanyang kandidatura ay pagpapaikot sa Comelec Rules of Procedure.

ANG

COMELEC

COMELEC RULES OF PROCEDURE

DAHIL

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DINO

DUTERTE

GIIT

IDINAGDAG

MARTIN DINO

RIZALITO DAVID

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with