4 dam posibleng umapaw
MANILA, Philippines – Naka-red alert status ngayon ang ilang dam sa North Luzon dahil sa posibleng pag-apaw ng tubig dala ng walang patid na buhos ng ulan sa nakalipas na ilang araw.
Ayon kay Richard Orendain, isa sa mga hydrologist ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), malapit na sa spilling level o antas ng pag-apaw ng tubig ang Magat, San Roque, Ambuklao at Binga.
Nauna nang nagpakawala ng tubig ang tatlong dam sa Luzon, alas-6 ng umaga ng Linggo ang Angat, Ipo at Bustos.
Sabi ni Orendain, dahil malapit na rin sa spilling level ang Magat Dam na ang current elevation ay nasa 193.24, ang San Roque na nasa 279.29 na ang spiling level ay nasa 280 meters, ang Ambuklao na nasa 750,68 at spilling level ay 752 at Binga ay 574. 68 at spilling level na 575 meters ay kailangang maghanda ang mga posibleng padaanan ng mga tubig nito kapag nagpakawala.
Sa sandali anyang magpakawala ng tubig ang Ambuklao at Binga ay sasaluhin ito ng San Roque Dam papuntang Anglo River sa Pangasinan.
Gayunman, dahil malaki ang naidagdag na tubig sa ating mga dam ay malaki anya ang maitutulong nito sa pagdating ng El Niño basta ma-mantine lamang ang elevation nito mula sa spilling level.
Hindi na anya magkakaroon ng problema sa suplay ng tubig sa mga domestic, paggamit ng power at irigasyon dahil magiging sapat ang suplay nito sa Metro Manila at mga palayan pagdating ng taong 2016 kung mapapanatili ang elebasyon ng tubig sa mga ito.
- Latest