Honorarium ng teachers sa 2016 polls taasan - DepEd
MANILA, Philippines – Umaasa ang Department of Education (DepEd) na matataasan ang honorarium na matatanggap ng mga gurong magsisilbi sa 2016 national and local elections.
Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, dapat lamang na maipagkaloob sa mga gurong nagsisilbing board of election inspectors (BEIs) sa halalan ang mas malaking benepisyo dahil hindi biro ang serbisyo at sakripisyong ipinagkakaloob nila para sa bayan.
Ang Commission on Elections (Comelec) aniya ang may hawak ng budget dito, ngunit sa kanyang pagkakaalam ay inaasikaso na rin naman ito ng poll officials sa pangunguna ni Comelec Chairman Andres Bautista.
Kasabay nito, sinabi ng kalihim na suportado nila ang posisyon ng mga guro na maging boluntaryo na lamang ang pagsisilbi sa eleksyon.
- Latest