Pondo sa ‘Nona’ at ‘Onyok’ hindi kakapusin - Palasyo
MANILA, Philippines – Tiniyak ng Malacañang ang sapat na pondo para sa relief at rehabilitation efforts sa mga sinalanta ng bagyong Nona at Onyok na ngayon ay naging low pressure area (LPA) na lamang.
Sinabi ni Communications Sec. Sonny Coloma, bukod sa P4 billion na natitira sa calamity fund ngayong taon at P6 billion savings, maari na ring magamit ang P19 billion calamity fund sa 2016 national budget sa oras na malagdaan ni Pangulong Aquino.
Ang 2016 national budget na naipasa na sa Kongreso ay nakatakdang pirmahan bilang ganap na batas ni Pangulong Aquino sa Martes, December 22.
Samantala, mananatili ang State of National Calamity hangga’t hindi binabawi mismo ni Pangulong Aquino.
Nakapaloob din sa nasabing deklarasyon ang pagpapatupad ng kinauukulang peace and order measures sa mga nasalantang lugar sa pamamagitan ng PNP at AFP.
- Latest