^

Bansa

34 na patay kay ‘Nona’

Joy Cantos at Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pumalo na sa 34 katao ang kumpirmadong namatay sa pananalasa ng bagyong Nona.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Alexander Pama, pinakamarami ay galing sa Mimaropa region (Min­doro, Marinduque, Romblon at Palawan) na umabot sa 13 katao, Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), Bicol at sa Eastern Visayas.

Naitala naman sa 165,554 pamilya o 742,991  katao ang naapektuhan sa preemptive evacuation sanhi ng bagyong Nona at Onyok.

Samantala nasa P1.9 billion na rin ang halaga ng pinsalang iniwan ni Nona sa agrikultura at imprastruktura.

Patuloy anya ang pagsisikap nilang maibalik ang supply ng kuryente sa mga tinamaan ng kalamidad habang patuloy ang clearing operations sa mga kalsada at tulay na hindi pa rin madadaanan.

Muling nanawagan ang NDRRMC na manatiling nakaalerto sa mga pag-ulan lalo sa dala ng low pressure area (LPA) na nagbabadya ng mala­lakas pang mga pag-ulan.

Ayon sa PAGASA, nananatili pa rin sa bansa ang LPA na dating si bagyong Onyok sa buong CARAGA region, Central at Eastern Visayas gayundin sa Misamis Oriental, Misamis Occidental, Davao Oriental, Aurora at Quezon.

Si Onyok ay nalusaw at naging LPA matapos tumama sa Davao Oriental noong Biyernes pero nagdudulot pa rin ito ng malalakas na pag-ulan.

Samantala makakaranas pa rin ng mga pag-ulan hanggang sa katamtaman sa ilang lugar ng Kabikulan, Quezon province at Aurora province.

Sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon ay makakaranas din ng mga pag-ulan mula sa mahina hanggang sa katamtaman dahil sa hanging amihan.

Kahapon ng umaga ay naglabas ang PAGASA ng sunud-sunod na babala ng heavy rainfall warning (yellow warning) lalo na para sa Negros Oriental na maaaring magdulot ng mga pagbaha sa mababang lugar at landslides naman sa mabundok na bahagi.

Sa ngayon wala nang nakikitang iba pang bagyo na papasok sa bansa sa mga susunod na araw.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

DAVAO ORIENTAL

EASTERN VISAYAS

EXECUTIVE DIRECTOR ALEXANDER PAMA

MGA

MISAMIS OCCIDENTAL

MISAMIS ORIENTAL

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

QUEZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with