Informal settlers suportado si Leni
MANILA, Philippines – Nangako ang sektor ng informal settlers, lalo na ang kababaihan, ng suporta kay Liberal Party vice presidential candidate Leni Robredo.
Ayon kay Alice Murphy ng Urban Poor Associates (UPA), na may 6 milyong miyembro sa buong Pilipinas, noon pa man, napag-usapan na ng sektor na suportahan ang pagtakbo ni Robredo.
Para kay Murphy, taglay ni Robredo ang katangian ng kandidatong hanap ng informal settlers dahil madaling lapitan at walang ere sa pakikipag-usap sa tao.
Tiwala rin si Murphy na malaki ang maitutulong ng malawak na karanasan ni Robredo sa Naga City para mapaunlad ang kalagayan ng informal settlers sa bansa.
“Meron siyang experience. Twenty years niyang kasama si Sec. Jesse. Pinaganda nila ang Naga, tapos naging representative siya, and then nag-aral siya ng abogasya para makatulong sa mahihirap,” giit ni Murphy.
Sa programa ng yumaong asawa, sinabi ni Robredo na nabigyan ang informal settlers ng relocation sites na malapit sa pagkukunan ng ikabubuhay.
- Latest