^

Bansa

Maligayang Bayad sa ExpressPay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang pagbabayad ng mga singilin ay isang problema ng bawat pamilya o indibidwal bunga na rin sa mahaba ang pila, sopresang surcharge at mala­king abala kapag panahon ng pista opisyal o holiday season.

Ngayong parating ang pasko, kakailanganin ng bawat isa na makapag-save ng kanilang pera pambili ng mga regalo at Noche Buena habang ilan sa mga inaanak ang nag-aabang naman ng kanilang aginaldo.

Dahil dito, nais ng Expresspay na magpatupad ng sarili nitong bersyon ng pagbibigay ng aginaldo sa kanilang mga consumer sa pamamagitan ng bago nitong promo na ‘Balik P5 kada bill’.

Ayon kay ExpressPay Marketing Director David Mascenon, simula sa buwan na ito hanggang Pebrero sa susunod na taon ang Expresspay ay magbibigay sa kanilang mga customer ng isang voucher gift P5 para sa bawat bill na kanilang binayaran sa anumang sangay upang kahit papaano ay maging sulit ang pinagpaguran na kinikitang pera.

Anya, ang nasabing voucher ay may-bisa ng isang taon mula sa petsa na kanilang makukuha at magagamit ito para sa alinman na mga serbisyo ng Expresspay gaya ng money transfer at courier service at maaari rin gamitin upang ibawas mula sa susunod na bill at pwede rin ipambili sa kanila ng mga prepaid load.

Ang kumpanya ay naitatag noong 2011 at kasalukuyang mayroong 800 branches nationwide na may layunin na sila ay makapag-bigay ng mahusay na serbisyo, ligtas na pagbabayad, makatwiran na services payment sa publiko.

Kamakailan lamang ay nanalo sa Golden Globe Annual Awards for Business Excellence 2015 ang kumpanya bilang “Best Payment Center Franchise” bunsod na rin sa pagtataglay nito na pinakamahusay na serbisyo sa nabanggit na industriya.

ACIRC

ANG

ANYA

BEST PAYMENT CENTER FRANCHISE

BUSINESS EXCELLENCE

EXPRESSPAY

GOLDEN GLOBE ANNUAL AWARDS

MARKETING DIRECTOR DAVID MASCENON

MGA

NBSP

NOCHE BUENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with