Walang shortage sa bagong bank notes - BSP
MANILA, Philippines – Pinabulaanan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang isyu na may shortage o nagkakaubusan na ng bagong perang papel.
Sinabi ni Ms. Fe dela Cruz, director for Corporate affairs ng BSP, higit pa sa sapat ang supply ng pera dahil tuluy-tuloy ang pag-imprenta ng new banknotes series o mga bagong disenyo ng perang papel.
Imposible raw magkaubusan kahit panahon ngayon na marami ang nagpapalit ng malulutong na perang pang-aginaldo gayundin ng mga pamalit sa lumang pera dahil sa demonitization.
May buffer stock pa rin ng mga bagong pera kaya’t hindi umano dapat na sabihin ng bangko sa mga nagpapapalit na naubusan na ng bagong pera.
Kailangan lamang na magtungo sa BSP ang sinumang bangko upang magpapalit.
Kahit daw barya na pinapaagaw sa bagong taon ay nagpagawa ang BSP ng nasa 23 bilyong coins.
Hanggang Disyembre 31 na lang pwedeng gamitin ang old banknotes subalit sa 2016 ay pwede pa naman itong papalitan sa bangko.
- Latest