^

Bansa

62 House bills naipasa

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mayroong 62 panukalang batas ang napagtibay ng Kongreso sa ilalim ng anim na taon ng Aquino administration.

Sa listahan na inilabas ng Kamara, ang nasabing mga panukala ay pawang mga landmark na batas na napagtibay ng kongreso sa loob ng 15th at 16th Congress o katumbas ng anim na taon.

Kabilang sa mga landmark legislation ang adjustment ng ceiling ng 13th month pay, mandatory Philhealth coverage ng mga nakatatanda, free mobile alerts sa tuwing may kalamidad, anti-bullying act, anti-drunk driving law, K-12 law, gayundin ang mandatory biometrics voters registration law.

Kasama rin sa napagtibay ang Kasambahay law, Sin Tax law, Peoples Survival Fund Act at Reproductive Health law.

Sa kabila nito pinasaringan pa rin ni minority leader Ronnie Zamora ang naging performance ng Kongreso at sinabing hindi sulit ang nailaang pondo rito.

Pinaringgan din ni Zamora ang liderato ng Kamara dahil hindi umano nito naaksiyunan ang mga panukalang hinihintay ng publiko tulad ng Freedom of Information (FOI) bill at ang Anti-Political Dynasty law.

Bukod dito hindi rin umano naipapasa ng kongreso ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at ang Salary Stan­dardization Law of 2015 na magbibigay ng umento sa mga taga-gobyerno.

vuukle comment

ANG

ANTI-POLITICAL DYNASTY

BANGSAMORO BASIC LAW

FREEDOM OF INFORMATION

KAMARA

KONGRESO

LAW

PEOPLES SURVIVAL FUND ACT

REPRODUCTIVE HEALTH

RONNIE ZAMORA

SALARY STAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with