LTO chief, nagbitiw
MANILA, Philippines – Nagbitiw na sa kanyang puwesto ang kontrobersiyal na si Land Transportation Office Asst. Secretary Alfonso Tan.
Bagamat hindi nilinaw ang tunay na dahilan ng pagbibitiw, tinotoo ni Tan ang pahayag niya kamakailan na magre-resign siya bago mag-Pasko dahil ayaw niyang abutin ang palitan ng posisyon oras na magbago ang pamunuan ng administrasyon matapos ang May 2016 national at local elections.
Sinasabi ng ilan na ayaw ni Tan na masisi sa naging kapabayaan sa posisyon.
Nitong Monday flag ceremony sa LTO nagpaalam na umano si Tan sa kanyang mga tauhan at nitong Martes ang huling araw sa ahensiya.
Bago ang pagbibitiw ni Tan, sunod-sunod na protesta ang ginawa ng iba’t ibang transport groups para sa kanyang pag-alis sa LTO dahil sa bigong pangangasiwa sa isyu ng drivers license at hindi nareresolbang backlog sa issuance ng plaka ng mga sasakyan.
Dating executive director ng LTO si Tan bago naging asst. secretary nang lumisan si dating LTO Chief Virginia Torres, na nahaharap naman sa isyu ng sugar smuggling.
Napipisil umano na pumalit kay Tan ay isang mataas na opisyal ng LTFRB na isang abogado ang papalit dito sa puwesto.
- Latest