^

Bansa

Onyok pumasok na sa PAR, Nona palabas na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nakapasok na sa Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong Onyok.

Ayon sa PAGASA, bandang ala-1:45 ng hapon nakatawid sa PAR line ang naturang sama ng panahon.

Sa ngayon ay isa pa lang itong tropical depression o mahinang bagyo ngunit may posibilidad pang lumakas habang nasa karagatan.

Huli itong namataan sa layong 1,150 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Taglay ng TD Onyok ang lakas ng hangin na 45 kph habang kumikilos nang pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 23 kph.

Sa pagpasok ni Onyok, patuloy naman ang paghina ng bagyong Nona.

Ani Obet Badrina, weather forecaster, ang paghina ni Nona ay bunga ng patuloy na paglakas ng hanging amihan.

Alas-11 ng umaga kahapon, si Nona ay namataan sa karagatan ng Bataan taglay ang hanging 120 kph at pagbugso na 150 kph.

Si Nona ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 7 kph at patuloy ang paghina hanggang sa ito ay maging isang tropical depression na lamang at tuluyang lumabas ng PAR ngayong Biyernes.

Si Onyok naman ay maaari din umanong humina at maging LPA dahil sa patuloy na paglakas ng hanging amihan.

ANG

ANI OBET BADRINA

AYON

BIYERNES

HULI

MINDANAO

NAKAPASOK

ONYOK

SI NONA

SI ONYOK

TAGLAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with