Papasok na bagong bagyo, hindi hihilahin pabalik si ‘Nona’ – PAGASA
MANILA, Philippines – Tiniya ng PAGASA ngayong Miyerkules na hindi hihilahin pabalik ng bagong papasok na bagyo ang palabas na bagyong “Nona.”
Sinabi ni PAGASA weather forecaster Aldczar Aurelio na hindi magkakaroon ng “Fujiwara effect” sa pagitan ni Nona at ng bagyong nasa labas pa ng Philippine area of responsibility (PAR).
Nangyayari lamang ang Fujiwara effect kapag naaapektuhan ng isang malakas na bagyo ang isang mahinang bagyo.
BASAHIN: 1 patay kay ‘Nona’
Samantala, huling namataan ng state weather bureau si Nona sa 90 kilometro kanluran ng Ternate, Cavite kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ng pang-14 na bagyo ngayong taon ang lakas na 120 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 150 kph, habang gumagalaw pakanluran hilaga-kanluran sa bilis na 7 kph.
Nakataas pa rin naman ang public storm warning signals sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 2
Bataan
Southern Zambales
Cavite
Batangas
Lubang Island
Signal No. 1
Metro Manila
Rest of Zambales
Pampanga
Bulacan
Tarlac
Rizal
Laguna
Northern Occidental Mindoro
Northern Oriental Mindoro
Ang binabantayan namang bagyo sa labas ng PAR ay nasa 1,180 kilometro silangan ng Mindanao.
BASAHIN: #NonaPH: Ika-5 landfall sa Oriental Mindoro
May lakas lamang itong 45 kph at mabilis ang paggalaw nito pakanluran hilaga-kanluran sa 23 kph.
Inaasahang lalabas ng PAR si Nona sa Biyernes, habang papasok naman ng bansa ang bagong bagyo sa Miyerkules.
Pangangalanang “Onyok” ang bagyo kapag tuluyan nang nakapasok ng PAR.
- Latest