PCSO handa sa pagtulong sa maaapektuhan ni ‘Nona’
MANILA, Philippines – Siniguro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na nakahanda ito sa pagtulong sa maaapektuhan ng bagyong Nona.
“The PCSO branch offices in the Visayas and Southern Tagalog and Bicol Region have been placed on alert and are ready to extend any needed assistance,” ayon kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II.
Aniya, ang Charity sector ng PCSO ay inatasan na ang Special Projects division upang makipag-ugnayan sa mga branch offices para sa calamity assistance na puwedeng ihatid ng PCSO sa mga pamilyang maapektuhan ng bagyo.
Idinagdag pa ni Rojas, sa ilalim ng Quick Response Program ng PCSO ay sinasagot nito ang medical treatment sa mga government hospitals ng mga biktima ng natural disaster at national emergencies.
Maghahatid din ng mga relief goods ang PCSO kung kinakailangan sa pakikipag-ugnayan sa mga branch offices nito at local government units.
- Latest