Singil sa tubig, bababa
MANILA, Philippines – Epektibo January 1, 2016 ay magbababa ng singil sa tubig ang Maynilad Water Services Inc. at Manila Waters.
Ito ayon sa Maynilad ay bunga ng ipatutupad na Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) simula sa unang kuarter ng 2016.
Bunga nito, ang mga Maynilad residential customers na kumukunsumo ng average na 10 cu.m. per month ay magkakaroon ng bill reduction na P0.64 sa kanilang monthly water bill.
Ang mga nakonsumo naman ng 20 cu.m. per month ay may monthly bill reduction na P2.43 habang ang nakonsumo ng 30 cu.m. per month ay may P5.04 bawas sa kanilang monthly bill.
Sa Manila Waters na nagseserbisyo sa East Zone part ng MMLA, bababa din ang singil sa tubig mula January 2016.
Ayon kay Mr. Jeric Sevilla, head ng Corporate Communications ng Manila Waters na sa residential area, kung ang konsumo ay 10 cubic meter (lifeline) kada buwan ay may bawas sa singil na 1.11 o mula 81.16 ay magiging 80.05, 10 cubic meters na konsumo (regular) ay may bawas singil na 1.38 kada buwan o mula 134.44 ay magiging 133.06, sa 20 cubic meters kada buwan ang konsumo ay may bawas na 3.06 o mula 296.32 kada buwan ay magiging 293.26 na lamang, kung 30 cubic meters ang konsumo ay may 6.36 na bawas singil o mula 603.40 ay magiging 597.04 na lamang kada buwan.
- Latest