Ika-4 na landfall ni ‘Nona’ sa Romblon
MANILA, Philippines — Muling nag-landfall ang bagyong “Nona” na may international name na Melor sa Romblon ngayong Martes ng umaga.
Ito na ang ikaapat na pagtama sa kalupaan ng pang-14 na bagyo ngayong taon.
Naitala ng PAGASA ang ikatlong landfall ni Nona sa Burias Island Lunes ng gabi bandang 9:45 ng gabi at nasundan ito kaninang 5:30 ng umaga.
LISTAHAN: Domestic flights canceled on December 15
Sinabi ng state weather bureau na bahagyang humina na si Nona, ngunit isa pang landfall ang inaasahan sa Oriental Mindoro mamayang hapon.
Huling namataan si Nona sa 75 kilometro hilaga-kanluran ng Romblon kaninang alas-9 ng umaga.
Taglay nito ang lakas na 140 kilometers per hour (kph) at bugsong aabot sa 170 kph, habang gumagalaw pakanluran sa bilis na 15 kph.
LISTAHAN: Class suspensions for December 15
Nakataas pa rin naman ang public storm warning signals sa mga sumusunod na lugar:
Signal No. 3 (121 to 170 kph winds expected in 18 hours)
Mindoro provinces
Lubang Island, Marinduque
Romblon
Signal No. 2 (61 to 120 kph winds expected in 24 hours)
Burias Islands
Southern Quezon
Batangas
Calamian group of islands
Signal No. 1 (30 to 60 kph winds expected in 36 hours)
Metro Manila
Masbate kabilang ang Ticao Island
Camarines Sur
Camarines Norte
Albay
Cavite
Laguna
Bulacan
Rizal
Northern Palawan
Bataan
Rest of Quezon
Aklan
Capiz
Antique
Iloilo
"[Nona] is a very compact typhoon, so that will prevent its most devastating impacts from extending too far from its center," pahayag ni AccuWeather Meteorologist Adam Douty.
BASAHIN: ‘Nona’ nag-landfall sa Samar, mamayang gabi sa Sorsogon
Makararanas naman ng malakas na pag-ulan na may malakas na hangin ang Metro Manila.
Tinatayang nasa 205 kilometro hilaga-kanluran ng San Jose, Occidental Mindoro ang bagyo bukas at 270 kilometro kanluran ng Coron, Palawan sa Huwebes.
Sa Biyernes pa lalabas ng Philippine area of responsibility si Nona na inaasahang hihina na lamang at magiging low pressure area.
- Latest