^

Bansa

P1.5-M shabu, nasamsam

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Aabot sa P1.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa notoryus na tulak ng droga sa loob ng bus sa public terminal ng Tacurong City, Sultan Kudarat kahapon ng umaga.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 12 Lyndon Aspacio, kinilala ang suspek na si Purita Jalos, 47, ng General Santos City.

Narekober sa suspek ang 200 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P1.5 milyon.

Ayon kay Aspacio, mula sa area ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang suspek  na dating may kaso kaugnay sa illegal na droga at hindi na aniya ito makapagpiyansa pa dahil sa milyong halaga ng droga na nasamsam.

Nahaharap si Jalos sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Nakakulong na ang suspek sa holding cell ng PDEA-12 at nakatakdang kasuhan ngayong araw.

AUTONOMOUS REGION

AYON

DRUG ENFORCEMENT AGENCY REGIONAL OFFICE

DRUGS ACT

GENERAL SANTOS CITY

LYNDON ASPACIO

MUSLIM MINDANAO

PURITA JALOS

REPUBLIC ACT

SULTAN KUDARAT

TACURONG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with