^

Bansa

Senglot natulog sa kalsada, napisak

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Patay ang 30-anyos na lalaki nang aksidenteng masagasaan matapos itong nakatulog sa kalsada dahil sa sobrang kalasingan sa Barangay Nantawakan, bayan ng Kasibu, Nueva Vizcaya kamakalawa.

Kinilala ni P/Chief Insp. Larry Pinkihan, hepe ng Kasibu PNP ang biktima na si Camilo Habiling ng nasabing lugar.

Batay sa imbestigas­yon ng pulisya, nagkaroon umano ng bayanihan sa nabanggit na barangay na dinaluhan ng ilang kalalakihan kabilang ang biktima kung saan nagkaroon ng inuman.

Dakong alas-8 ng gabi ay nagpaalam ang senglot na biktima na uuwi sa Sitio Domang subalit ilang minuto pa ay nadaanan ng ilang kalalakihan na nakatulog sa gitna ng tire path na kalsada.

Dakong alas-11 ng gabi naman nang dumaan ang dump truck na minamaneho ni Henry Tayaban  sa nabanggit na lugar at dito hindi sinasadyang masagasaan ang biktima.

Ayon pa kay Pinkihan, hindi umano agad nakita ng driver ng truck ang biktima dahil sa nasa loob umano nito ng pababang bahagi ng kalsada.

Huli na nang makita ng driver na pamangkin niya ang nasagasaan na biktima na agad naman isinugod sa pagamutan subalit idineklara patay.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY NANTAWAKAN

CAMILO HABILING

CHIEF INSP

DAKONG

HENRY TAYABAN

KASIBU

LARRY PINKIHAN

NUEVA VIZCAYA

SITIO DOMANG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with