^

Bansa

PNoy ‘di na tatakbong presidente

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kahit payagan ng Konstitusyon na muling tumakbong presidente ay hindi na rin tatakbo si Pangulong Aquino. 

Sinabi ng Pangulo na naniniwala siyang walang forever kaya hindi din niya aambisyuning mahalal muli bilang pa­ngulo ng bansa. 

“If I were allowed to continue in office, I couldn’t ask the people who helped me to sacrifice for another six years,” wika pa ng Pa­ngulo sa Bulong Pulu­ngan X’Mas party sa Hotel Sofitel kahapon.

Aniya, bagama’t nais niyang makita pa ang bunga ng kanyang pagsisikap tulad ng SLEX-NLEX connector highway, ang pagbuti ng ope­rasyon ng MRT at LRT at ang pagpapatuloy ng CCT program ay mas mabuting ibigay na lamang sa mas bata, mas energetic na lider ang pamumuno sa bansa.

“There’s a side I want to ride the MRT with more trains, make sure CCT program will produce result it was asked for. I would not want to put my successor in the same situation in having to deal with well-meaning, but unfortunately not good advice.

I’m really thankful for this opportunity. I think we surpassed the expectations of those who believed in us,” paliwanag pa ni PNoy sa open forum ng X’Mas Party.

Inamin din nito na mahirap din para sa kanya na kumbinsihin muli ang kanyang mga staff na ipagpatuloy pa ang pagsasakripisyo.

ACIRC

ANG

ANIYA

BULONG PULU

HOTEL SOFITEL

IF I

INAMIN

KAHIT

KONSTITUSYON

MAS PARTY

PANGULONG AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with