Namumuong bagyo papasok sa Pinas ngayong Biyernes
MANILA, Philippines — Isang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) ang inaasahang magiging ganap na bagyo at papasok sa bansa ngayong Biyernes, ayon sa state weather bureau.
Huling namataan ng PAGASA ang LPA sa sa 1,700 kilometro silangan ng Mindanao.
Pangangalanang “Nonoy” ang LPA oras na pumasok ito ng PAR at maging ganap na bagyo.
Sa kabila nito ay hindi naman inaasahang tatama sa kalupaan ang namumuong bagyo, ngunit mararamdaman ang epekto nito sa silangang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Bukod kay Nonoy ay isa pang bagyo ang inaasahang papasok sa PAR bago matapos ang taon.
- Latest