House arrest kay CGMA
MANILA, Philippines – Umaasa ang ilang kongresista sa Kamara na tuluyan nang mapapagbigyan ang kahilingan ni dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo na house arrest matapos na payagan ng Korte Suprema ang kahilingang Christmas at New year furlough nito..
Ayon kay Reps Martin Romualdez (Leyte), Rodito Albano III (Isabela) Silvestre Bello III (IBap partylist) at Lito Atienza (Buhay partylist) na ang pagpapakitang malasakit ng Supreme Court (SC) sa may sakit na dating pangulo ay magtutuloy-tuloy hindi lamang ngayong holiday seasons.
Giit ng mga kongresista dapat na rin payagan ng SC si Arroyo na makapagpiyansa o payagang mag-house arrest sa kanyang bahay sa La Vista Subdivision sa Quezon City.
Bukod dito nanawagan din ang mga mambabatas sa mga mahistrado na ikonsidera ang health condition ni Arroyo na umanoy patuloy na lumalala dahil sa tinataglay nitong sakit.
Panawagan ng mga kongresista hayaan na lamang si Arroyo na manatili sa kanyang pamilya dahil sa bukod sa pangangailangan medical ay kailangan din nito ang pag-aalaga ng kanyang pamilya para mabilis ang panggaling nito.
Matatandaan na si Arroyo ay pinayagan ng Korte Suprema sa kahilingan nitong Christmas at New year furloughs mula sa umaga ng December 23 hanggang alas 5 ng hapon ng Disyembre 26 at alas 8 ng umaga ng December 30 hanggang alas 5 ng hapon ng Enero 2, 2016 sa kanyang bahay sa No.14 Badjao St. La Vista subdivision, Quezon City.
- Latest