Anong 700? Mga 1,700 pinatay ko – Duterte
MANILA, Philippines – “Ano bang problema nila?”
Ito ang pahayag ni presidential aspirant Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa ulat ng isang international human rights group tungkol sa bilang ng kaniyang mga pinapatay.
“Seven hundred daw pinatay ko? Nagkulang nga sila sa kwenta, mga 1,700,” matapang na pahayag ni Duterte matapos ang kaniyang personal na paghahain ng certificate of candidacy sa pagkapangulo sa tanggapan ng Commission on Elections kahapon sa Intramuros, Manila.
Sinabi ni Duterte na nagsimula ang isyu sa kaniyang human rights record dahil sa kaniyang karibal na si dating House Speaker Rep. Prospero Nograles.
Ayon sa mga ulat, isinantabi na ni Nograles ang politka at nagbigay ng buong suporta sa kandidatura ni Duterte.
Ikinabahala ng grupong that Amnesty International Philippines (AIP) ang human rights record ni Duterte mula nang maupong alkalde sa Davao.
“Naaalarma kami when he said that when he becomes president, he will impose the death penalty on a weekly basis," sabi ni AIP Chair Ritz Lee Santos III.
Bukod sa AIP, ang New York-based human rights group na Human Rights Watch ay nanawagan din na imbestigahan ang kaugnayan ni Duterte sa Davao Death Squad.
- Latest