^

Bansa

David humirit sa SC na baligtarin ang desisyon ng SET kay Poe

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hiniling ni Rizalito David ngayong Martes sa Korte Suprema na baligtarin ang desisyon ng Senate Electoral Tribunal (SET) sa kaso ni Sen. Grace Poe kaugnay ng kaniyang citizenship.

Naghain ng petisyon si David na humihingi ng writ of certiorari na magbabaligtad sa naging desisyon ng SET.

Sa botong 5-4 ay nanaig ang mga bumoto pabor kay Poe upang kilalanin siya bilang isang natural-born citizen.

Lima sa mga pumabor kay Poe ay kapwa niya senador, habang tatlo sa apat na kumontra sa kaniya ay hukom ng Korte Suprema.

Naghain ng disqualification case si David kontra kay Poe sa SET dahil sa kuwestiyonableng citizenship.

Unang humirit ng motion for reconsideration si David ngunit ibinasura lamang ito ng SET.

Samantala, diniskwalipika ng Commission on Elections 2nd Division si Poe para sa 2016 elections.

 

DAVID

GRACE POE

HINILING

KORTE SUPREMA

NAGHAIN

POE

RIZALITO DAVID

SAMANTALA

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

SET

UNANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with