^

Bansa

100 presidential candidates nuisance - Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 100 naghain ng kandidatura sa pagkapangulo ang idineklarang nuisance ng Comelec first at second division. Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, mula sa 125 na kasong inihain ng Comelec Law department para sa mga nagsumite ng COC sa pagkapangulo, 100 na ang pinaboran ng dalawang comelec division. Dahil dito, 25 na lamang ang dedesisyunan ng Comelec divisions.

Para naman sa pagka-bise presidente, mula sa 13 kasong inihain, siyam ang idineklarang nuisance habang sa pagka-senador na mula sa 129 kaso, 101 na ang dinesisyunan, 96 ang idineklarang nuisance, habang ang apat na petisyon naman ay ibinasura na na­ngangahulugan na pinapayagan silang tumakbo sa pagkasenador.

Samantala, isang petisyon naman kaugnay ng kandidatura ng isang nagnanais na tumakbo sa pagkasenador ang iniakyat sa Comelec En Banc matapos na humantong ang botohan ng mga myembro ng Comelec division sa tie vote.

Nilinaw naman ni Bautista na hanggang hindi pa pinal ang desisyon laban sa mga idineklarang nuisance candidate ay maari pa ring mapasama ang kanilang pangalan sa balota.

 

ACIRC

ANG

AYON

BAUTISTA

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN ANDRES BAUTISTA

COMELEC EN BANC

COMELEC LAW

DAHIL

NILINAW

SAMANTALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with