^

Bansa

Maraming trabaho, regalo ni Peña sa mga taga-Makati

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Maraming trabaho ang magiging regalo sa Kapaskuhan ni Makati City Acting Mayor Romulo “Kid” Peña Jr., sa mga taga -lungsod.

Kung kaya’t ang naturang alkalde ang magiging guest of honor sa “Mega Job Fair and Employers’ Forum” na gaganapin sa darating na Disyembre  11 at 14, ng taong kasalukuyan sa Makati City Hall building.

Ayon kay Peña, isa sa kanyang maituturing na pinakamahalagang regalo ngayong Kapaskuhan ay mabigyan ng maraming trabaho ang mga taga- Makati.

Sa pamamagitan aniya nito ay magkakaroon sila ng source of income, na masusuportahan nila ang kanilang mga pamilya at sariling pangangailangan.

“With decent, guaranteed and sustainable sources of income, city residents will not only help themselves and their families meet their basic needs, but also contribute to reducing poverty and criminality in the city,” ani Peña.

Si Peña ang magiging guest of honor sa “Mega Job Fair and Employers’ Forum” na gaganapin sa darating na Disyembre 11 at 14, ng taong kasalukuyan sa Makati City Hall building.

Ayon sa alkalde bukas din aniya sa hindi taga Makati ang naturang Mega Job Fair na inilunsad ng pamahalaang lungsod katuwang ang ibat-ibang kompanya.

Kung saan nasa 50 local companies at local manpower agencies ang lalahok sa naturang Mega Job Fair.

ACIRC

ANG

ATILDE

AYON

DISYEMBRE

KAPASKUHAN

MAKATI

MAKATI CITY ACTING MAYOR ROMULO

MAKATI CITY HALL

MEGA JOB FAIR

MEGA JOB FAIR AND EMPLOYERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with