Salpukan ng 2 bus: 14 sugatan
MANILA, Philippines – Labing apat katao ang nasugatan sa banggaan ng dalawang pampasaherong bus sa EDSA, Ortigas Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.
Isinugod sa Mandaluyon Medical Center at East Avenue Medical Center ang mga biktima na nagtamo ng mga pinsala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni Mandaluyong Traffic Bureau dakong alas-11:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng EDSA Southbound lane Ortigas Avenue Mandaluyong City.
Nabatid na binabagtas ng Alabang Metro Link Bus na may plakang TYV-844 at isang Taguig Metro Link na may plakang UYA-611 ang kahabaan ng EDSA Southbound lane nang mawalan ng kontrol ang Alabang Metro Link na bumangga sa likod ng isa pang bus.
Base sa salaysay ng konduktor ng Taguig Metro Link Bus na si Arturo Tiu , nakahinto sila sa stop light nang bigla na lamang silang binundol sa likod ng Alabang Metro Link Bus.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay naipit ang driver ng Alabang bus na si Reynaldo Paneza dahil nagtamo ng pinsala sa ulo at ibang ibang bahagi ng kanyang katawan at nawasak ang wind shield at harapan ng bahagi ng sasakyan.
Tumilapon naman ang mga pasahero ng Alabang Metro Link Bus at 13 dito ang sugatan na agad naman naisugod sa dalawang nasabing pagamutan.
- Latest