^

Bansa

NBI, PNP clearance sa lisensiya ibinasura ng House

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng House Committee on Transportation ang mosyon para ibasura na ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang bagong requirement para sa pagkuha ng NBI at police clearance bago makakuha ng professional drivers license.

Nagkasundo din ang komite sa pamumuno ni Ca­tanduanes Rep. Cesar Sarmiento, na irequire ang NBI at PNP na magsumite ng “lookout list” sa LTO para sa maayos na koordinasyon para sa mga taong posibleng may kaso.

Sinabi ng mga kongresista na pahirap lamang sa mga kumukuha ng lisensiya ang dagdag na requirement at maraming lugar sa bansa ng walang NBI satellite office. Giit pa ng mga kongresista para na rin umanong gusto ng LTO na sumabak sa police work sa panghuhuli ng mga kriminal.

Pagtatanggol naman ni LTO chief Alfonso Tan, pinag-iingatan lamang nila ang mga pasahero ng mga public utility vehicles. Sa katunayan, nang simulan nila ang bagong requirement noong Nobyembre, isang may pending warrant of arrest sa kasong robbery ang nahuli at hindi nabigyan ng lisensya.

ACIRC

ALFONSO TAN

ANG

CESAR SARMIENTO

GIIT

HOUSE COMMITTEE

INAPRUBAHAN

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MGA

NAGKASUNDO

NOBYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with