^

Bansa

Walang lumipat kay Duterte - LP

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Itinanggi ni LP stalwart at Senate President Franklin Drilon ang mga balitang may mga miyem­bro ng Liberal Party sa Mindanao na lumipat na sa kampo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte matapos itong opisyal na ianunsiyo ang pagtakbo bilang kapalit ng PDP-Laban standard bearer Martin Dino.

“Hindi totoo yan. Kami po ay tumatanggap ng liham mula sa mga kasamahan namin dun sa Min­danao, hindi totoo na nagli­lipatan,” paglilinaw ni Drilon.

Sinegundahan ito ni House Speaker at LP Vice Chair Feliciano “Sonny” Belmonte.

“Lalo pa nga itong nagbunsod para pagtibayin ng mga kongresista at gobernador ang kanilang suporta kay LP presidential bet Mar Roxas,” diin ni Belmonte. Si Roxas ang standard bearer ng Partido Liberal at personal na pambato ni Pangulong Aquino na sinabing si Roxas lamang ang may tunay na kakayahang magtuloy ng pag-unlad sa ilalim ng Daang Matuwid.

Isa sa mga naibalitang naglipat ng suporta kay Duterte ay si Tagum City Mayor Rey Uy. Itinanggi naman ito ni Uy.

ACIRC

BELMONTE

DAANG MATUWID

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DRILON

HOUSE SPEAKER

ITINANGGI

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

MARTIN DINO

PANGULONG AQUINO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with