Grace Poe disqualified sa 2016 polls – Comelec
MANILA, Philippines – Diskwalipikado si Sen. Grace Poe sa eleksyon 2016, ayon sa Commission on Elections ngayong Martes.
Sa 35-pahinang inilabas na desisyon ng 2nd Division ay diniskwalipika si Poe sa pagtakbo sa pagkapangulo dahil sa hindi sapat na residency requirement.
“...(T)he Certificate of Candidacy for President of the Republic of the Philippines in the May 9, 2016 National and Local Elections filed by respondent Mary Grace Natividad Sonora Poe Llamanzares is hereby canceled,” nakasaad sa desisyon.
Nakasaad sa batas na 10 taon dapat na naninirahan sa bansa ang isang nais tumakbo sa pinakamataas na puwesto sa gobyerno.
Pinagbasehan ng 3-0 na desisyon ang reklamo ng abogadong si Estrella Elamparo.
Sina Commissioners Al Parreño, Arthur Lim, at Sheriff Abas ang bumubuo sa 2nd division ng Comelec.
Bukod kay Elamparo ay tatlo pang petisyon ang inihain upang ipadiskwalipika rin si Poe.
- Latest