Pagdukot ng ISIS sa 4 OFWs itinanggi ng Malakanyang
MANILA, Philippines – Itinanggi ng Malacañang ang napaulat na pagdukot umano sa 4 na Filipino workers ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).
Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang katotohanan ang napaulat na 4 na OFW’s sa Syria ang dinukot umano ng mga miyembro ng ISIS.
Ayon kay Sec. Lacierda, kinumpirma mismo sa kanya ni Charge’d d’ affairs Nestor Padalhin sa Syria na walang katotohanan ang nasabing ulat bagkus ay may hinuli lamang na mga Pinoys dahil sa expired nilang permits.
“According to Ambassador Padalhin in Syria, report of ISIS abduction is not true. But there are Filipinos apprehended because of expired Lqamas (permits) and the embassy and the legal counsel are assisting them to sort out the matter,” paglilinaw pa ni Lacierda.
Wika pa ng Malacañang, patuloy ang isinagawang repatriation program ng pamahalaan para sa mga OFW’s na nasa Syria dahil sa patuloy na kaguluhan doon.
- Latest