^

Bansa

Karangahan Green Christmas ng Albay: Bawal ang paputok, plastic

Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Philippines – Mu­ling itatanghal ng Albay ang Karangahan Green Christmas Festival nito sa buong buwan ng Disyembre ngayong taon, kung kailan mahigpit na ipagbabawal ang paputok at paggamit ng plastic – katugma ng mga kampan­ya nitong pangkapaligiran at “Zero Casualty.” Ang Karangahan ay mula sa sa­litang Bikol na RANGA na ang ibig sabihin ay kaiga-igayang kasiyahan na may kalakip na malalim na paggalang at pagpapahalaga.

Nasa pang-anim na taon na ngayon ang Karangahan festival at gaya ng dati ay tampok nito ang isang higanteng Christmas Tree — na ngayon ay gawa naman sa Karagumoy, na karaniwang ginagamit sa paggawa ng banig, sombrero, basket at iba pang handicraft. Sa nakaraan, mga similya ng pili at talbos ng kamote ang ilan sa mga ginamit na material ng higanteng Christmas tree na malimit kunan ng litrato para sa social media.

Iniutos kamakailan ni Albay Gov. Joey Salceda sa mga pinuno ng mga tanggapan at mga kawani ng kapitolyo, sa pamamagitan ng isang memorandum na “tiyakin ang ligtas at masayang pagdiriwang” ng Pasko kasama ang kanilang mga pamilya, kaibigan at mga turista.

Sa naturang memorandum, binigyang diin ni Salceda na mahalagang layunin ng Green Christmas initiative nila ang Zero-Casualty sa paputok at pagsulong ng kasayahang walang gaanong polusyon.

Sa Green Christmas memorandum ni Salceda, mahigpit na ipinagbabawal ang mga paputok at paggamit ng plastic sa mga dekorasyon at pagbalot ng pagkain. Sa halip, isinusulong nito ang paggamit ng mga organiko at katutubong material. Inaamuki din nito ang mga empleyado ng pamahalaan na isali sa kanilang mga pagdiriwang ang mga kapos palad.

ACIRC

ALBAY GOV

ANG

CHRISTMAS TREE

GREEN CHRISTMAS

GREEN CHRISTMAS FESTIVAL

JOEY SALCEDA

KARANGAHAN

MGA

SA GREEN CHRISTMAS

SALCEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with