PNoy nasa Paris para sa climate talks
MANILA, Philippines – Tumulak na ng Paris, France si Pangulong Aquino para dumalo sa Conference of Parties 21 (COP 21) kaugnay ng kampanya laban sa climate change.
Bandang alas-10 ng umaga kahapon umalis ang Pangulo kasama ang kanyang delegasyon lulan ng PAL flight 0001.
Sa kanyang mensahe sa airport bago umalis, sinabi ni Aquino na isang pagkakataon ang climate talks sa Paris para sa mga world leaders na gumawa ng collective actions matapos bigong makabuo ng consensus noong 2009 climate change conference sa Copenhagen, Denmark.
Mula sa France ay magtutungo din ang Pangulo sa Italy at Rome para sa official at working visits.
Sasaksihan ni PNoy ang mga kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Italy sa kanyang pagbisita dito.
Makikipagpulong din ang Pangulo kay Italian President Sergio Mattarella at Prime Minister Matteo Renzi bukod sa pakikipagkita sa Filipino community.
“Pupunta din po ang ating delegasyon sa Vatican City. Sasaksihan natin doon ang pagbebendisyon sa imahen ng Mahal na Birhen ng Peñafrancia. Dadalaw rin po tayo kay Papa Francisco, upang ipaabot ang ating mga panalangin para sa bansa at sa ating mga kababayan, na alam nating malapit sa kanyang puso,” wika naman ni Communications Sec. Sonny Coloma.
- Latest