Mayor Digong kontra sa bawas-tax
DAVAO CITY, Philippines – Tutol si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa panukalang Lower Income Tax Rate.
Sa panayam kay Duterte, sinabi nito na sakaling mahalal siyang Presidente ng bansa, hindi muna niya isusulong ang pagpapababa ng buwis.
Paliwanag ng alkalde, mas kakailanganin niya ng pera para mapataas ang sweldo ng mga manggagawa.
Gagamitin din umano nito ang pera para sa social services at isyu tulad ng trabaho, kagutuman at decongestion sa Metro Manila.
Igiiit pa ni Duterte, na para maisakatuparan ang pag-decongest ng Kalakhang Maynila, kailangan niyang manghiram ng pera.
Masyado na umanong overcrowded ang Metro Manila dahil sa dami ng mga tao at sasakyan, rason para dagdagan ang mga infrastructure at mga lansangan.
Dagdag pa ng Alkalde, gusto niyang ayusin ang Clark/Subic International Airport para magamit.
Nagiging isyu ngayon ang Lower Income Tax Rate bill dahil sa patuloy na pagkontra rito ni Pangulong Aquino.
- Latest