HIV cases lumolobo
MANILA, Philippines – Maaaring lumobo pa sa mahigit 133,000 mga bagong kaso ng Human Immunodeficiency Virus (HIV) sa susunod na pitong taon kung magpapatuloy ang pagtaas ng trend nito.
Ayon kay DOH Sec. Janette Garin, kung hindi mababagalan ang pagkalat ng HIV at kung hindi maghahanap ng mga paraan upang maiwasan ang pagkahawa ng HIV infections ay aabot sa karagdagang 133,000 ang posibleng mga indibidwal na may HIV pagsapit ng taong 2022.
Mula 2010-2015, mahigit 20,000 kaso ng HIV infections ang naitala. Lumilitaw na 174 lamang noong 2001 ang HIV infections nang ilunsad ang Millennium Development Goals (MDGs).
Naniniwala si Garin na malaki pa rin ang proteksiyong dulot ng condom, kaya’t naglaan na rin sila ng pondo para sa pagbili ng condom at lubricants.
Sinisimulan na rin nilang tukuyin ang mga lugar kung saan dapat na ipamahagi ang mga condoms. Bibigyan din ng sapat na kaalaman ang publiko sa tamang paggamit nito.
Sakaling umabot sa 133,000 ang kaso ng mga HIV, kailangan ding may budget na P4 bilyon kada taon ang PhilHealth para sa mga outpatient HIV package. Maaari pa rin itong tumaas kung tataas ang biktima ng mga HIV infected.
Noong taong 2000, merong isang HIV case ang na-diagnose kada tatlong araw.
Pero ngayong 2015, merong isang kaso ng HIV ang nadi-detect kada oras.
- Latest