^

Bansa

SSS may libreng tawag para sa mga miyembrong OFWs

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – May pamaskong handog ang Social Security System (SSS) para sa mga miembro nitong mga OFW.

Ito ay sa pamamagitan ng pagkakaloob sa mga member OFWs ng libreng tawag sa 11 bansa.

Ayon kay Judy Frances A. See, SSS senior vice president for international operations, ang mga OFW na may katanungan o kahilingan ay maaaring gumamit ng libreng serbisyo ng ahensiya.

Ang toll-free numbers ay 001-8000-CALL-SSS para sa Hong Kong at Singapore; -- 00-8000-CALL-SSS sa Malaysia, Taiwan, Italy at United Kingdom; 801-4275 sa  Brunei; -- 00800-100-260 sa  Qatar;  800-0630-0038 sa United Arab Emirates; -- 800-863-0022 sa Saudi Arabia; at 8000-6094 sa Bahrain.

Ang toll-free numbers ay bukas sa mga OFW mula alas-6 ng uma­ga Lunes hanggang sa Sabado ng alas-6 ng uma­ga, oras sa Pilipinas.

Ayon kay  See, karamihan sa mga katanungan mula sa  OFW Contact Services Unit (CSU) ay ang reactivation  ng SSS membership, verification ng kontribusyon at loan records, queries kung paano mag aplay ng SSS number, lugar ng SSS foreign representative offices, accredited overseas payment channels at status ng aplikasyon.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

CONTACT SERVICES UNIT

HONG KONG

JUDY FRANCES A

NBSP

SAUDI ARABIA

SOCIAL SECURITY SYSTEM

SSS

UNITED ARAB EMIRATES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with