Poe minaliit ang pangunguna ni Duterte sa survey
MANILA, Philippines – Matapos maungusan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, sinabi ng kampo ni Sen. Grace Poe na ang resulta ng survey ay hindi sinasalamin ang damdamin ng buong bansa.
“There is more to the Philippines than Metro Manila… it is inconclusive and not reflective of the sentiments of the country,” pahayag ng tagapagsalita ni Poe si Valenzuela Mayor Rex Gatchalian.
Sa isinagawang survey ng Pulse Asia sa Metro Manila ay nakakuha ng 34 percent si Duterte, habang nasa pangalawa na lamang si Poe na may 26 percent.
BASAHIN: Duterte nanguna sa Pulse Asia survey
Tumaas ng 7 percent ang rating ng alkalde mula noong Setyembre, habang bumaba ng 5 percent ang senadora.
Isinagawa ang survey noong Nobyembre 11 at 12, kung saan hindi pa inihahayag ni Duterte ang pagbabago ng isip na tumakbo sa pagkapangulo sa 2016.
Sinabi pa ni Gatchalian na pabago-bago naman ang damdamin ng publiko sa isang kandidato depende kung ano ang kanilang naririnig kaya naman nangako siya na paiigtingin pa nila ang kampanya upang ipaalam kung ano ang nais gawin ni Poe sa bansa.
“Our resolve is to continue our drive to explain to the electorate Sen. Poe’s advocacy of inclusive governance,” wika ng tagapagsalita.
“Surveys give us a snap shot of people’s sentiments at a given point in time. Sentiments change regularly depending on what message people hear,” dagdag niya.
- Latest