^

Bansa

Duterte nanguna sa Pulse Asia survey

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inungusan ni Davao City  Mayor Rodrigo Duterte ang iba pang presidential candidates upang manguna sa survey ng Pulse Asia.

Nakakuha si Duterte ng 34 percent mula sa mga residente ng Metro Manila, mas mataas sa 27 percent niya noong Setyebre.

Pumangalawa na lamang si Sen. Grace Poe sa 26 percent, habang pangatlo si Bise Presidente Jejomar Binay na may 22 percent.

Nasa pang-apat at panlimang pwesto naman si Liberal Party standard bearer Manuel "Mar" Roxas II at Sen. Miriam Defensor Santiago na may 11 at 7 percent ayon sa pagkakasunod.

Samantala,  ang running mate naman ni Poe, si Sen. Chiz Escudero ang nasa tuktok ng vice presidential survey na may 32 prcent, habang 24 percent si Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Isinagawa ang survey nitong Nobyembre 11 at 12 sa 300 residente ng Metro Manila.

BISE PRESIDENTE JEJOMAR BINAY

BONGBONG

CHIZ ESCUDERO

DAVAO CITY

GRACE POE

LIBERAL PARTY

MARCOS JR.

MAYOR RODRIGO DUTERTE

METRO MANILA

MIRIAM DEFENSOR SANTIAGO

PULSE ASIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with