^

Bansa

Hirit na pag-isahin ang disqualification cases ni Poe ibinasura ng Comelec

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ibinasura ng Commission on Elections (Come­lec) ang apela ng kampo ni Sen. Grace Poe na pag-isahin ang mga disqualification  cases laban sa kanya.

Sa ginanap na pagdinig, hindi pinayagan ng Comelec 2nd division na ang mga kasong isinampa nina Atty. Estrella Elamparo, dating Senador Francisco “Kit” Tatad, De La Salle University Prof. Antonio Contreras at University of the East dean Amado Valdez ay pagkaisahin bagamat iisa ang hangarin ng kanilang pagsampa, ito ay ang pagsawalang bisa ng kaniyang inihaing certificate of candidacy bilang pangulo sa 2016.

Bagamat pumayag sina Tatad at Valdez na pagkaisahin na nila ang kanilang kaso sa first division ay hindi naman pumayag dito si Contreras dahil ang kanyang petisyon ay tumatalakay sa residency issue.

Nauna ng ibinasura ng Senate Electoral Tribunal (SET) ang disqualification case laban kay Poe dahil pinagtuunan na lamang ng Tribunal ang citizenship issue imbes na sa residency issue.

ACIRC

AMADO VALDEZ

ANG

ANTONIO CONTRERAS

DE LA SALLE UNIVERSITY PROF

ESTRELLA ELAMPARO

GRACE POE

SENADOR FRANCISCO

SENATE ELECTORAL TRIBUNAL

TATAD

UNIVERSITY OF THE EAST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with