^

Bansa

Mga pasaway na pulis walang bonus

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Paskong tuyo dahil ni singkong duling ay walang matatanggap na bonus ang mga pasaway na pulis na may kinakaharap na kasong kriminal at administratibo.

Ito ang mariing kautusan ni PNP Chief P/Director General Ricardo Marquez bilang bahagi ng pinaiiral na mahigpit na disiplina sa hanay ng kapulisan.

“As a disciplinary po­licy, release of the 13th month pay to PNP personnel with pending administrative and criminal cases is deferred”, pahayag ni PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor.

Kahapon, inihayag ni Mayor na ipinalabas na ng PNP Headquarters ang 2015 year end bonus ng nasa 160,000 aktibong PNP personnel bilang maagang pamaskong handog sa mga ito sa kanilang mahusay na serbisyo publiko.

Nabatid na aabot sa P2.027 bilyon ang inilaang pondo ng Department of Budget and Management (DBM) para mabayaran ang year-end bonus ng mga PNP personnel.

Sinabi naman ni Marquez na ang year-end bo­nus ay kumakatawan sa 50% ng 13th month pay at iba pang cash benefits alinsunod sa itinatakda ng batas para sa lahat ng kawani ng gobyerno.

Ang unang yugto ng 13th month pay ng mga pulis ay ipinalabas noong Mayo 2015.

ACIRC

ANG

CHIEF P

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

ITO

KAHAPON

MARQUEZ

NABATID

SPOKESMAN CHIEF SUPT

WILBEN MAYOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with