^

Bansa

Bagyong Marilyn napanatili ang lakas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napanatili ng bagyong Marilyn ang kanyang lakas habang kumikilos pakanluran hilagang kanluran.

Alas-11 ng umaga kahapon, si Marilyn ay namataan ng PAGASA sa layong 1,040 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 175 kilometro bawat oras at may pagbugso na 210 kph.

Si Marilyn ay kumikilos pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Ngayong Martes ng gabi si Marilyn ay inaasahang nasa layong 1,010  kilometro ng silangan ng Aparri, Cagayan at sa Miyerkules ng gabi ay inaasahang nasa layong 1,145 kilometro silangan ng Basco, Batanes at sa Huwebes ng gabi ay nasa layong 1,590 kilometro silangan hilagang silangan ng Itbayat, Batanes o nasa labas na ng Philippine area of responsibility.

Si Marilyn ay magdadala ng mga pag uulan na magiging katamtaman hanggang sa malakas na may 550 km diameter.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga mangingisda sa Northern Luzon, Luzon at Visayas na huwag munang maglalayag sa karagatan dahil sa malalaking alon.

APARRI

BASCO

BATANES

CATANDUANES

HUWEBES

ITBAYAT

LUZON

MIYERKULES

NGAYONG MARTES

NORTHERN LUZON

SI MARILYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with