All-breed dog shows ng AKCUPI sa Nob. 29
MANILA, Philippines – Ang Asian Kennel Club Union of the Philippines, Inc. (AKCUPI) ay magtatanghal ng All Breed Championship Dog Shows bilang pre-Christmas treat sa lahat ng dog lovers sa Linggo, Nobyembre 29 sa People’s Village ng Tiendesitas sa Frontera Verde, Ortigas Ave. cor. E. Rodriguez Jr. Ave. (C-5), Pasig City.
Sina International all-breed dog show judges Adrian K. G. Tey ng Malaysia, Ed C. Cruz at Jester Jo Ong Chuan ng Pilipinas ang hurado sa shows na magsisimula ng 1:00 PM. Si Tey, na nagtapos sa Middlesex University sa London, ay management consultant at kasalukuyang partner ng isang European consulting firm sa Kuala Lumpur. Marami na siyang naisulat at naiambag na mga artikulo tungkol sa dog breeding na nalathala sa isang buwanang dog magazine.
Si Cruz, na pinakamatagal na nagsilbing director ng Philippine Canine Club, Inc. ay naging PCCI president nung 2001 at 2005 at naging chairman ng Corporate Show Committee. Sa loob ng dalawang taon, naging chairman si Cruz ng Affiliated Clubs Committee ng PCCI. Sa kasalukuyan, si Cruz ay vice president ng AKCUPI at chairman ng Affiliated Clubs Committee. Naging chairman siya ng Judges Licensing Committee at nakapaghusga na ng dog shows sa Spain, Russia, Japan, Korea at Malaysia. Nagtapos ng B.S.Psychology sa Ateneo de Manila University, si Cruz ay naging charter member at past president ng Rotary Club of Greenhills.
Si Ong Chuan, na nakapaghusga na sa international dog shows sa China, South Korea, Myanmar, Malaysia at Hong Kong ay pinamumunuan ang American Cocker Spaniel Club of the Philippines (ACSCP) at Metropolitan Manila Kennel Club Inc., kapwa affiliates ng AKCUPI.
Ang tatlong judges ay magkakaroon ng kanya-kanyang set ng winners sa kategoryang Best Baby Puppy, Best Philippine-born at Best in Show categories mula sa seven breed groupings - toy, sporting, hound, terrier, non-sporting, working at herding.
Para sa detalye ng dog shows, tumawag sa 3766597-98 o bisitahin ang website: www.akcupi.com
- Latest