^

Bansa

Japan tutulong mapaluwag ang trapik sa Metro Manila

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagkasundo sina Pangulong Aquino at Japanese Prime Minister Shinzo Abe na ipatupad ang roadmap para sa quality infrastructure development sa transport sector upang malutas ang trapiko sa Metro Manila.

Sinabi ng Pangulo na layunin ng programa na maging moderno ang transport system sa Metro Manila hanggang 2030 para mapaluwag ang daloy ng trapiko.

Ang blue print ng proyekto ay inilatag na ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Nagkaroon ng bilateral meeting kamakalawa ng gabi sina Pa­ngulong Aquino at PM Abe sa Hotel Sofitel sa pagtatapos ng 23rd Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Nagpasalamat din si PNoy kay PM Abe dahil sa tulong ng Japan sa isinusulong na peace initiatives ng gobyerno sa MILF sa pamamagitan ng Japan-Bangsamoro initiatives for reconstruction and development.

Tiniyak din ni Abe ang patuloy na pagtulong ng Japan sa pagpapatrulya ng Japanese coast guards sa West Philippine Sea.

Inihayag din ni Abe ang nakatakdang pagbisita sa Pilipinas ni Ja­panese Emperor Akihito at Empress Michiko sa Enero 2016 para dumalo sa 60th anniversary ng Philippine-Japan relations.

ACIRC

ANG

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

EMPEROR AKIHITO

EMPRESS MICHIKO

HOTEL SOFITEL

JAPAN INTERNATIONAL COOPERATION AGENCY

JAPANESE PRIME MINISTER SHINZO ABE

METRO MANILA

PANGULONG AQUINO

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with