NBI humingi ng palugit sa ‘tanim bala’ probe
MANILA, Philippines – Hiniling ng National Bureau of Investigation-Special Task Force sa Department of Justice na bigyan sila ng karagdagang panahon para sa pagsusumite ng resulta ng imbestigasyon sa kontobersiyal na tanim bala sa NAIA.
Ito’y dahil hindi pa nakumpleto ng itinalagang NBI Special Task Force na tumutok sa isyu ng tanim-laglag bala sa pagtatapos ng palugit noong Nobyembre 18.
Nabatid na 11 araw lang ang ibinigay sa nasabing task force para sa pagsusumite ng ulat kay Justice Secretary Alfredo Benjamin Caguioa.
Sinabi ng tagapagsalita ng DOJ na si Undersecretary Emmanuel Caparas, na matapos ang pakikipagpulong ay pinagbigyan naman ang nasabing ekstensiyon.
Nahirapan umano silang makumpleto ang detalye dahil hindi nila lahat nakausap ang ilang opisyal at empleyado ng NAIA na hindi magawa bunga ng pagdaraos ng APEC Leaders Meeting.
- Latest