^

Bansa

Krimen bumaba sa panahon ng APEC

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Bumaba ang mga insidente ng street crimes sa Metro Manila sa kasagsagan ng pagdaraos ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa bansa.

Sa report ni NCR-Regional Investigation and Detective Management Division (RIDM) Chief P/Sr. Supt. Joaquin Alva, mula Nobyembre 16 hanggang 19 ay mayroon lamang 120 kaso ang nairekord na mas mababa sa 138 street crimes noong Nobyembre 9-12.

Naging kapuna-puna rin ang pagbaba ng insidente ng nakawan na naitala sa 44 kaso sa panahon ng APEC week kumpara sa 56 kaso mula Nobyembre 9-12 habang ang robbery incidents ay buma­ba rin sa 31 mula sa 35, isang linggo bago ang APEC.

Ayon kay PNP Spokesman Chief /Supt. Wilben Mayor, ang pagbaba ng krimen ay bunga ng pinalakas na police visibility at anti-criminality campaign na ginawa ng PNP, AFP at iba pang law enforcers para sa makasaysayang okasyon.

ACIRC

ANG

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

CHIEF P

JOAQUIN ALVA

METRO MANILA

NOBYEMBRE

REGIONAL INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT DIVISION

SPOKESMAN CHIEF

SR. SUPT

WILBEN MAYOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with