^

Bansa

US hindi nakatutulong sa kapayapaan sa South China Sea – Chinese Navy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Muli na namang nanawagan ang China sa Estados Unidos kaugnay ng pagroronda nila sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Sinabi ni People's Liberation Army Navy of China commander Wu Shengli na hindi maaaring mangialam ang Amerika sa kanilang ginagawa sa pinag-aagawang teritoryo nila ng Pilipinas.

"The US conduct does not contribute to peace and stability in the South China Sea whatsoever... The US cannot impose its own claims on other nations. It cannot sabotage other nations' sovereignty and security," wika ni Wu kay US Pacific Fleet commander Admiral Scott Swift sa isang pagpupulong.

BASAHIN: Obama sa China: Reclamation sa West Philippine Sea itigil na!

Patuloy ang “freedom of navigation” na ginagawa ng Amerika sa loob ng 12-nautical mile ng artificial islands na ginawa ng China sa South China Sea.

Sinabi pa ni Wu na nagsisilbing banta sa seguridad ng kanilang isla ang ginagawa ng Amerika, kaya naman hinimok niya ito na itigil upang manatili ang kapayapaan.

Nitong kamakalawa lamang ay nanawagan si US President Barack Obama sa China na itigil ang ginagawa nilang reclamation sa pinag-aagawang teritoryo.

BASAHIN: China kay Obama: ‘wag kang mangialam

Sinabi ng China na walang karapatan ang Amerika na mangialam sa kanilang ginagawa.

 

ADMIRAL SCOTT SWIFT

AMERIKA

ANG

CHINA

ESTADOS UNIDOS

LIBERATION ARMY NAVY OF CHINA

OBAMA

PACIFIC FLEET

PRESIDENT BARACK OBAMA

SINABI

SOUTH CHINA SEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with