^

Bansa

China kay Obama: ‘wag kang mangialam

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Hindi ikinatuwa ng China ang pahayag ni United States President Barack Obama sa agawan ng teritoryo sa South China Sea.

Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesperson Hong Lei na huwag na dapat mangialam ang US at gawing komplikado pa ang pag-aagawan ng China at Pilipinas.

"The United States should stop playing up the South China Sea issue, stop heightening tensions in the South China Sea and stop complicating disputes in the South China Sea," pahayag ni Hong.

BASAHIN: Obama sa China: Reclamation sa West Philippine Sea itigil na!

Sinabi ni Obama, na nasa bansa para sa Asia-Pacific Economic Cooperation summit, sa China na itigil na nila ang ginagawang reclamation activities sa West Philippine Sea upang humupa ang tensyon sa dalawang panig.

Iginiit ni Hong na walang bansa ang sinumang maaaring mangialam sa kanilang ginagawa.

Sa bilateral talks nina Obama at Pangulong Benigno Aquino III, napag-usapan ng dalawang pangulo ang tungkol sa agawang ng teritoryo.

BASAHIN at PANOORIN: Talumpati ni Obama sa BRP Gregorio del Pilar

"We agreed on the need for bold steps to lower tensions including pledging to halt further reclamation, new construction and militarization of disputed areas in the South China Sea," pahayag ni Obama.

Tiniyak din ng US President na handa nilang tulungan at depensahan ang Pilipinas.

Dagdag niya na magbibigay pa sila ng dalawang barko, dagdag sa nauna nang ibinigay na BRP Gregorio del Pilar.

Nasa bansa rin si Chinese President Xi Jinping para sa APEC summit.

ANG

ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

CHINA

CHINESE FOREIGN MINISTRY

CHINESE PRESIDENT XI JINPING

GREGORIO

OBAMA

QUOT

SEA

SOUTH CHINA SEA

WEST PHILIPPINE SEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with