^

Bansa

LP magkakasalungat sa mga isyu - Romulo

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binuweltahan ngayon ni Pasig Cong. Roman Romulo ang umano’y magkakaibang pahayag ng liderato ng Liberal Party (LP) at kanilang pambato para sa 2016 elections laban kay Sen.Grace Poe.

Paliwanag ni Romulo, nang ligawan ng LP si Poe para maging pambato nila sa Presidential race ay hindi naman kinukwestyon ng mga ito ang patriotism ng senadora na nakukuwestyon ngayon ang citizenship.

Kapwa naging vocal noon sina Pangulong Aquino at Mar Roxas sa pagsabing nililigawan nila para mapasama sa kanilang partido si Poe.

Ngayon naman umano ay lantaran ang pag­kwestyon ni Camarines Sur. Rep. Leni Robredo sa pagmamahal ni Poe sa kanyang bayan na itinakwil nito ng siya ay maging US citizen.

Hindi umano ito ang unang beses na magkakasalungat ang LP sa mga isyu gaya na lang sa pagpapababa sa tax na suportado ni Robredo pero hindi ni Roxas.

Maging ang isyu sa laglag bala kung saan naghain pa ng panukala si Robredo para sa decriminalization sa mahuhulihan ng hanggang 3 bala, gayong si Roxas ay naninindigang hindi dapat isisi sa gobyerno ang isyu.

ANG

CAMARINES SUR

GRACE POE

LENI ROBREDO

LIBERAL PARTY

MAR ROXAS

PANGULONG AQUINO

PASIG CONG

ROBREDO

ROMAN ROMULO

ROXAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with