‘No fly, no sail’ ipinatupad na
MANILA, Philippines – Sinimulan nang ipatupad kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang “no fly” at “no sail” zones kaugnay ng pagbubukas ng APEC Summit sa Manila.
Ayon kay AFP Spokesman Col. Restituto Padilla, ipinatupad ng Philippine Navy ang no sail zone sa bahagi ng Manila Bay habang ang no fly zone ay sa himpapawid ng Metro Manila.
Ang ‘no sail’ sa Manila Bay ay hanggang sa 12 nautical miles ng karagatan habang ang ‘no fly‘ ay nasa 40 nautical miles.
Nakadeploy na rin ang mga barko at eroplano ng Philippine Navy, Philippine Coast Guard at Philippine Air Force upang tiyakin ang seguridad ng idinaraos na APEC 2015.
Maging ang mga drones ay bawal ring paliparin bilang bahagi ng security protocol.
- Latest