‘Paris attack wag gamitin vs APEC protesters’
MANILA, Philippines - Nanawagan si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares kay Pangulong Aquino na huwag gamitin ang Paris attack para pigilan ang mga magpoprotesta sa APEC summit.
Sinabi ni Colmenares na umaasa ito na hindi gagamiting dahilan ng administrasyon ang pag-atake sa naturang bansa para hadlangan sila sa pagpapahayag ng kanilang saloobin at reklamo.
Bukod sa kongresista umapela din si dating Bayan Muna Congressman Teddy Casino, isa sa organizer ng gaganaping kilos protesta at iba pang events sa APEC summit.
Nilinaw naman ni Casino na nakikiisa sila sa pagkondena sa ginawang terrorist attacks sa Paris at iba pang lugar kung saan tinatarget ang mga inosenteng sibilyan.
Subalit naniniwala ang naturang grupo na gagawa pa rin ng hakbang ang gobyerno para maiwasan ang ganitong pag-atake ay makakasagasa naman sa rights to assemble at maihayag ang lehitimong reklamo ng mamamayan.
Inirereklamo din ni Casino ang paglalagay ng harang ng PNP sa may Baclaran Church, kung saan daang mga lumad mula Mindanao ang naroroon matapos paalisin sa Liwasang Bonifacio.
Hinarangan na rin umano ng pulisya ang delegasyon mula Southern Tagalog para hindi makapasok sa Manila na dadalo sana sa iba’t ibang anti-APEC activities.
- Latest