^

Bansa

Terror threat sa APEC, disinformation lang

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pananakot lamang umano ang mga kumakalat ngayon na mga mapagbantang text messages hinggil sa umano’y planong pag-atake ng mga terorista kaugnay ng isasagawang Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit 2015 simula nga­yong araw.

Ito’y matapos ang madugong terror attack sa Paris, France na ikinasawi ng mahigit 120 katao habang nasa 200 pa ang nasugatan.

 Bilang reaksyon, umapela naman si APEC Security Task Force 2015 Chief, P/Director General Ricardo Marquez  sa publiko na huwag matakot at magpanik sa likod ng natu­rang mga disinformation at pananakot lamang na mga pagbabanta.

“We have received reports of “scare message” circula­ting, warning of purported terror threats”, pahayag ni Marquez.

Sa panig ng AFP, sinabi naman ng Spokesman nitong si Col. Restituto Padilla na suportado ng kanilang hanay ang PNP sa pagpapatupad ng maigting na seguridad para tiyakin ang kaligtasan at mapayapang pagdaraos ng APEC Summit.

Ayon kay Padilla, pana­nakot lamang ang mga kumakalat na text messages na kagagawan ng mga taong nais lamang lumikha ng alarma o pagpapanik sa panig ng publiko.

Samantalang, naniniwala naman ang liderato ng PNP, na mataas ang kumpiyansa ng mga member economies at mga delegado sa ipinatutupad na seguridad para sa buong panahon ng APEC Summit.

Binigyang diin pa ng PNP Chief na mula nang maganap ang serye ng pambobomba at pamamaril sa Paris, France ay wala silang natatanggap na anumang abiso o kahilingan mula sa kanilang counterparts na kasama ng mga member economies at mga delegado patungkol sa kanilang seguridad.

Samantalang nananatili rin ang full alert status ng PNP at katumbas naman na red alert sa AFP kaugnay ng pagdaraos ng nasabing okasyon.

ACIRC

ANG

ASIA PACIFIC ECONOMIC COOPERATION

AYON

BILANG

BINIGYANG

DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ

MGA

RESTITUTO PADILLA

SAMANTALANG

SECURITY TASK FORCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with